Na-stuck
FVR: Sorry I'm late! Brownout! Na-stuck ako sa elevator for 1 hour.
ERAP: Wala 'yan! Ako 3 hours sa escalator...
************************
Sa Isang Jeep
Pasahero: Mama, magkano po yong pasahe?
Driver: 7 pesos yong minimum.
Pasahero: (Dumukot ito sa bulsa para kunin yong pera niya, ngunit sa 'di sinasadyang dahilan kulang yong pamasahe niya.) Patay, kulang 'tong pera ko. Paano kaya ito? (Nag isip ito at lumingon sa driver. Napansin niya na duling ito. Sabi niya sa kanyang sarili, tama duling 'tong driver sigurado 'pag nagbigay ako Ng 3.50 di diya mapapansin na kulang 'tong pera ko, kasi doble 'yong paningin nito. Inabot niya sa driver 'yong pera.
Ngunit laking gulat niya nong may sinabi 'yong driver sa kanya.
Driver: Kulang ito!
Pasahero: Anong kulang? Di ba sabi mo 7pesos 'yong minimum?
Driver: Oo nga 7 pesos. Eh! Dalawa kaya kayo.
**************
Sekyu
Airforce: "No guts, No glory!"
Marines: "No retreat, No surrender!"
Army: "No pain, No gain!"
Naks ayaw patalo ang Security Guards: "No I.D, No entry!"
************
Job Interview
Sa isang job interview...
Boss: Ano ang alam mo?
Juan: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis mo,
at kung saan nakatira ang kabit mo.
Boss: Tanggap ka na!
************
DECAF?
ERAP ordering coffee at Starbucks...
Barista: DECAF po ba?
ERAP: OO, alangan naman dePLATE, ta*ga!






0 comments: on "Pilipino Jokes"
Post a Comment